Natanggap na ng nasa 3500 na mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa iba’t ibang bayan sa Tarlac ang kanilang Certificate of Condonation.
Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang namahagi ng Certificate of Condonation, na patunay na binubura na ng pamahalaan ang kanilang pagkakautang sa Department of Agrarian Reform.
Nasa 4,663 na Certificate of Condonation ang ipinamahagi ng Pangulo na sumasakop sa total land area na 4, 132 hectares at may kabuuang halaga na 124 million 639 thousand 593 pesos and 31 centavos.
Sa kanyang talumpati, muling binigyang pugay ni Pangulong Marcos ang malaking kontribusyon ng mga magsasaka.
Hiling lang ng Pangulo sa kanila na mas pagyamanin pa nila ang kanilang lupang sinasaka, kasabay ng patitiyak na palaging nasa likod nila ang pamahalaan na patuloy na pakkinggan ang kanilang mga pangangailangan upang matiyak na magkaroon ang mga magsasaka ng mas maginhawa at matatag na kinabukasan.
Siniguro rin ng Pangulo na higit pa nilang pagtutulungan na mapa-unlad ang sektor ng agrikultura dahil malaki ang paniniwala nitong marami pang kaya at dapat gawin para sa mga magsasaka.