Natagpuan ng isang service crew sa banyo ng isang fast food restaurant sa Candelaria, Quezon ang mahigit kalahating kilo ng hinihinalang shabu nitong gabi ng Agosto 10, 2023.
Ayon sa Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office na si PCol Ledon Monte, narekober ang kabuuang 511.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng nasa ₱10,434,600.00.



Dagdag pa ni PCol Monte, pumasok umano sa nasabing restaurant ang ilang police patrollers upang kumain na posibleng naging dahilan kung bakit iniwan ang hinihinalang shabu.
Sa kasalukuyan, nirereview na ang mga CCTV footage mula sa nasabing restaurant upang matukoy ang posibleng pagkakakilanla ng mga suspect na nakaiwan sa nasabing kontrabando.