Mahigit ₱428k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Sariaya, Quezon

Arestado ang dalawang indibdiwal matapos makumpiskahan ang mga ito ng mahigit ₱428,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Bantilan, Sariaya, Quezon nitong Lunes, Hunyo 3.

Sa ikinasang operasyon ng awtoridad, isang poseur buyer ang nakabili ng hinihinalang shabu sa mga suspek na sina alyas “Kimberly” , 26-anyos at alyas “Bembol”, 27-anyos, na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Tinatayang nasa 21 gramo ang timbang ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspek.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *