Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan kung anu ang naging motibo sa brutal na pagpatay sa isang magsasaka sa Brgy. Francisco sa bayan ng Gandara Samar.
Matapos kasing barilin, pinugutan pa ng ulo ang biktimang si Christopher Wahingon, 34-anyos residente sa nabanggit na lugar.
Sa inisyal na report mula sa Gandara Municipal Police Station, July 6 nang umaga nang huling nakitang buhay si Wahingon habang papunta sa kanilang sakahan.
Nag-alala na lamang umano ang asawa ng biktima nang hindi na ito naka-uwi sa kanilang tahanan kung kaya’t agad itong hinanap.
Natagpuan ang bangkay nito malapit sa ilog na may mga tama ng bala sa katawan subalit nawawala ang ulo.
May mga suspek na umanong tinitingnan ang mga kapulisan matapos makita ang ilang indibidwal na may dalang mga armas at sinusundan ang biktima habang papunta sa kanyang sakahan noong umaga nang huli itong nakitang buhay.