Magpapatuloy na e-sabong, ‘iligal na’ at huhulihin! – DILG

Nagbabala ang Department of Interior and Local Government na posibleng magkaroon ng hulihan sa mga operasyon ng e-sabong sakali mang hindi pa rin nito ihinto ang kanilang mga operasyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Interior Secetary Eduardo Año na ‘final’ na ang naging order ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya naman wala na dapat pang ipalusot ang mga operator nito, at wala na ring paraan para idaan sila sa teknikalidad na wala pang pormal na order na ipinalalabas ang Gobyerno.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Ipauubaya naman na nito sa susunod na Kongreso at Gobyerno kung magkakaron ba ng batas para muling ibalik ang operasyon nito nang mayroong restrictions.

Sa ngayon, aaralin pa umano ng DILG ang mga ulat na mayroon pa ring nalululong sa iba pang uri ng mga online betting kagaya na lamang ng ‘e-binggo’.

Samantala, sa hiwalay na panayam, sinabi ni sinabi ni Atty. Jose Joey Tria Jr., ang PAGCOR vice president for Internet gaming licensing and regulation group na sa anim na mga operational e-sabong arenas, apat na ang nagsara na kaagad ng kanilang operasyon.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Mayroon pa umanong dalawang natitira, ngunit nasabihan na sila ng PAGCOR na huminto na.

Nakatakda namang ilabas ang opisyal na memo ngayong araw mula sa PAGCOR at sa Office of the President para sa tuluyang pagpapasara nito.
#