E-sabong sa Olongapo, makakapag-operate pa rin hangga’t walang written order

Makakapag-operate pa rin ang E-Sabong outlet o mas kilala sa tawag na talpakan sa Olongapo.

Ito ay hanggat wala pang natatanggap na written order ang city government mula sa Department of Interior and Local Government para pahintuin ang operation ng mga off-cockpit betting station.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ayon kay Mayor Lenj Paulino, ang order ng DILG ang magiging basehan ng LGU para maipasara ang apat na talpakan sa Olongapo na nagsimulang mag-operate noon pang nakaraang taon.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Matatandaan, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapahinto sa operation ng e-sabong sa buong bansa dahil sa negatibong epekto sa komunidad kahit pa kumikita ng multi-milyong piso mula dito ang pamahalaan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of drink, food and text