Naramdaman sa Metro Manila at maging sa karatig na lalawigan ang magnitude 5.9 na lindol sa Occidental Mindoro.
Ayon kay Terisito Bacolcol, Director ng PHIVOLCS, asahang may mga aftershocks pa mula sa nangyaring lindol.
Sa huling ulat ng PHIVOLCS, nakapagtala sila ng 28 aftershocks at ang magnitude ay nasa 1.4 hanggang 2.4.
Sinabi ni Bacolcol na wala namang kinalaman sa lindol ang kamakailang nangyari sa Surigao na may lakas na 6.8 magnitude.
Pruweba lamang aniya ito na tectonically active ang Pilipinas.
