Magnanakaw ng motorsiklo nagpaputok, bata sapol!

KORONADAL CITY-NASA maayos ng kalagayan ng 9 na taong gulang na bata na tinamaan ng bala sa nangyaring motornapping incident sa Purok Bagong Sikat, Barangay Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat. Ito ang kinumperma ni Police Captain Jeffrey Sorita Lazaro, Deputy Chief of Police ng Esperanza PNP sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Ayon kay Lazaro, nangyari ang insidente 12:30 ng madaling araw noong Enero 1 habang pinapaandar ng biktima ang kanyang motorsiklo kasabay sa kinauugaliang tradisyon habang pagsalubong ng Bagong Taon. Inihayag pa ni Lazaro, bigla na lamang umanong sinakyan ng suspek ang motorsiklo at nagpaputok kung saan tinamaan ang 9 na taong gulang na bata at tumakas sa hindi malamang dereksiyon.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa ngayon may tinuturong suspek na ang kapulisan kung saan nakatakdang isampa ang kasong carnapping at frustrated homicide bukas Enero 3, 2024 para sa nasabing suspek.