Magnanakaw, naiwan ang pares ng tsinelas matapos tangayin ang cellphone

Naiwan pa sa crime scene ang tsinelas ng hindi nakilalang suspek sa pagnanakaw sa isang bahay sa Purok matatag 1 Barangay Panacan 2 Narra, Palawan.

Kwento sa Brigada ng biktimang si Jhane Arzadon Nagrana, tinangay ng magnanakaw ang cellphone na nakalagay lamang sa kanyang dibdib.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nangyari ang pagnanakaw kaninang madaling araw at nang siya’y magising ay wala ang gamit pero namalayan umano nito ang pagtakas ng suspek.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Idinagdad ni Jhane na sinungkit ng suspek ang nagsisilbing lock ng pintuan ng bahay kaya nakapasok ang salarin.

Napag-alaman ng Brigada na nahihirapang maglakad ang biktima at ang cellphone na tinangay ay ginagamit niya sa pagbebenta online.