6 patay sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Quezon City

Anim na katao ang namatay sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na kabilang sa mga nasawi ang isang 79-anyos na lalaki, isang 30-anyos na babae at ang kanyang tatlong anak na may edad 12, 7, at 2-anyos.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, posible umanong tinangka ng mga biktima na tumakas sa nasusunog na bahay base sa kanilang lokasyon nang matagpuan ang kanilang mga bangkay.

Dalawang bangkay ang natagpuan sa ground floor, dalawa sa hagdanan — ang ina at ang kanyang dalawang taong gulang na anak — habang ang dalawa pang menor de edad ay natuklasan sa ikalawang palapag.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sinabi ng BFP na posibleng na-suffocate at nawalan ng malay ang mga biktima bago bumagsak ang mga labi sa kanila.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente habang tinatayang nasa P1.5 milyon ang pinsala dahil sa sunog.