Magka-angkas sa motorsiklo na walang suot na helmet, patay sa QC

Patay ang magka-angkas sa motorsiklo matapos mahulog sa Quezon Avenue Tunnel sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police Distric Traffic Unit, mula sa Agham road ang dalawa nang bumangga sa railings, patungo sana ng Elliptical road.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Sa lakas ng impact ng pagkakabangga, tumilapon ang dalawa at nabagok ang ulo dahil walang suot na helmet at naka-bull cap lamang ang mga ito.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Nakuhanan naman ang back rider ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.