Magiging payo ng WHO sa monkeypox, dapat ipatupad sa – PMA

Dapat na ikonsidera agad ng gobyerno ng Pilipinas ang magiging payo ng World Health Organization (WHO) kaugnay sa pinangangambahan ngayon na monkeypox.

Sa panayam ng Brigada News Fm kay Dr. Benito Atienza, presidente ng Philippine Medical Association, sa ngayon ang dapat lamang gawin ng bansa ay hintayin ang ilalabas na datos at babala ng mga eksperto kaugnay sa naturang virus.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Anuiya, may surveillance naman sa ngayon ang Department of Health sa naturang sakit kaya walang dapat ipag-aalala ang publiko rito.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Kaugnay nito, ipinunto naman ni Atienza na kahit ano pang sakit ang umusbong at madiskubre, dapat hindi pa rin magpaka-kampante ang publiko at panatilihin pa rin ang pag-iingat.

Mababatid na sa kasalukuyan ay wala pang nade-detect na kaso ng monkeypox sa bansa.(CLAY MARQUEZ)
#