Magandang trabaho, ipinangako umano sa mga na-recruit patungo sa Malaysia- PNP

Muling nagpapa-alala ang pulisya sa Palawan na mag-ingat sa illegal recruitment at human trafficking.

Ito ay bunsod ng matagumpay na rescue operation ng awtoridad sa Buliluyan Port sa Bataraza Palawan kung saan nailigtas ang labingapat (14) na Palaweño.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon kay PMAJ. Ric A. Ramos na tagapagsalita ng PPO, ang mga nailigtas ay walang naipakitang kaukulang dokumento na patungo sana sa bansang Malaysia para magtrabaho sa isang Palm Tree Company.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Umasa raw ang 14 sa pinangakong magandang sahod sa Malaysia kaya nahikayat ito ng recruiter na mula rin sa Barangay Princess Urduja, Narra Palawan.

Samantala, tiniyak ng pulisya sa Palawan na mapapanagot sa sinumang sangkot sa illegal recruitment activity.