Magandang panahon ngayong weekend asahan – PAGASA

Walang namomonitor ang PAGASA na anuman sama ng panahon na maaring makaapekto sa bansa ngayong weekends.

Ayon sa PAGASA, Easterlies ang makakaapekto sa bansa ngayong araw.

Sinabi ng weather bureau na makakaranas ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may tyansa ng pulo-pulong pag-ulan dahil sa epekto ng localized thunderstorms.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ipinunto ng PAGASA na bagamat maganda ang panahon ay maari pa rin magdulot ng pagbaha at landslides ang mga biglaang pag-ulan.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Samantala, asahan naman na maglalaro sa 25.7 hanggang 34.2 degrees celcius ang temperatura sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.