Mag-Lolo, patay sa sunog sa Sta. Maynila

Dalawa ang patay sa sunog na sumiklab sa isang residential-commercial building sa Bgy. 869, Sta. Ana, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, isang 63-anyos na lalaki at 6-anyos na lalaki ang nasawi.

Nagsimula ang sunog bago mag-alas-5 ng madaling araw nitong Sabado at agad inakyat sa unang alarma.

Tatlong pamilya naman ang apektado ng sunog at tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng pinsala.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng apoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *