Mag-asawang matanda pinatay, P100K tinangay

Pinatay at pinagnakawan ang mag-asawang senior citizen habang nasa loob ng kanilang bahay sa Barangay Dagumbaan, Maramag, Bukidnon.

Ang mga biktima kinilala na sila Bernardo Sabac, 69-anyos ang asawa nitong si Henara, 66 taong gulang.

Sa interview ng Brigada Valencia sa mga kaanak, nakarinig na lamang umano sila ng putok ng baril at doon nila inabutan ang mag-asawa na may tama na ng bala.

Itinuro naman ng witness na mismo ang kapitabay ang gumawa ng krimen at tinangay din umano nito ang P100,000 na bayad sa ibenentang lupa ng mga biktima.

Agad naman nahuli ng Maramag Municipal Police Station ang suspek at sinampahan ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *