Mag-aama nagkagulo, biyenan na umawat – nasuntok

Black-eye ang inabot ni Nelson Nadayao ng umawat ito sa kaguluhan ng mag aamang sina Vencio Agustin Sr. 69 anyos, Arnel Agustin 31-anyos at Vencio Agustin Jr. 25 anyos at Ariel Agustin 19 anyos sa Baranggay. Sandoval Roxas, Palawan, bandang alas-nuwebe kagabi, ika-29 ng Abril.

Sa panayam ng Brigada, kay Ariel, nag-aaway silang mag-asawa ng bigla itong sapukin ng kanyang kuyang si Arnel at lumapit naman ang kanilang ama na si Vencio Sr. at sinuntok si Ariel.

Read More:  107 residents evacuate after Taal volcano eruption triggers ashfall in Batangas

Pagkatapos nito ay lumapit naman ang isa pang kapatid na si Vencio Jr. at minartilyo nito sina Ariel at Arnel.

Read More:  65 fire-hit families in Boracay receive aid from Bong Go’s team

At si Nelson naman na byenan ni Arnel ay aawat lang sana ay nasuntok pa.

Kaugnay nito, napag-alaman ng Brigada na nasa impluwesya ng alak ang mga ito nang magkagulo.

Samantala, sa kulungan pansamantala nagpapalamig ang mag-amang si Vencio Sr. at jr.