MADAC ng Camalig, Albay hinirang ng PNP bilang best performer sa lalawigan

BICOL—Kinilala ng Police Regional Office 5 at ng Albay Police Provincial Office bilang best performing Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ang MADAC ng Camalig, Albay.

Ang bayan ng Camalig ay nanguna sa 13 shortlisted LGUs sa lalawigan pagdating sa best practices at matagumpay na pagpapatupad ng innovative anti-illegal drug interventions.

Hanggang ngayong Diysembre 2021, mayroon nang kabuuang 42 drug-cleared barangays sa bayan, tatlong unaffected at limang sumasailalim sa kaparehong management at compliance.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Bago ibigay ang ganitong pagkilala, sumasalang muna ito sa deliberasyon ng Regional Oversight Commitee (ROC) ng PDEA at DILG na layuning mapabilis ang pagpapatupad ng drug clearing programs at mamonitor at assess ang estado ng mga Persons Who Used Drugs (PWUDs) sa mga barangay.

Kaugnay nito ay nagpasalamat naman si Mayor Caloy Baldo sa naturang award kung saan inihayag nito ang patuloy na hakbangin upang maitaguyod ang ligtas na komunidad na malaya sa iligal na droga.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kinilala rin nito ang naging ambag ng mga stakeholders kabilang Camalig Municipal Police Station (MPS), Municipal Health Office (MHO), at Department of the Interior & Local Government (DILG) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na silang mga aktibong katuwang sa drug-clearing phase.### | slm