Bayan ng Daet zero case na sa COVID-19 bilang ng nasawi, umakyat sa 61

CAMARINES NORTE- Zero case na sa COVID-19 ang bayan ng Daet sa pinakahuling report na ipinalabas ng Daet IMT

Sa report ng Daet emergency operations Center na may petsang December 10, 2021, wala ng naitalang panibagong kaso ng COVID-19 ang naturang bayan hanggang sa kasalukuyan

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ang bayan ng Daet ang nangunguna sa nakapagtala ng may pinakamaraming kaso ng COVID-19  na umabot sa 1,046 cases.

Naitala rin ng naturang bayan ang pinakamaraming bilang ng mga nawalan ng buhay na umabot sa 61 matapos na madagdagan ng isang kaso sa report na ipinalabas ng EOC kahapon

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

habang umabot sa 985 ang mga pasyenteng gumaling sa sakit  

Sa kasalukuyan, wala ng under monitoring ang EOC

Patuloy namang hinihikayat ng Pamahalaang Lokal ang lahat ng mga mamamayan na panatilihin ang pagsunod sa health protocols at suportahan ang vaccination rollout ng gobyerno