Mabagal na turn out ng early registration, na-obserbahan sa isang paaralan sa lungsod ng Naga

NAGA CITY – Mabagal ang naging turn-out ng early registration sa isang paaralan sa lungsod ng Naga.

Ayon kay Principal Frederick Baldoza ng Naga Central School 1, umabot lamang sa 152 ang total na bilang ng nagparehistro sa kanilang paaralan, kung saan nagsimula ito noong Mayo 6 at magtatapos sa Hunyo 10.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Lumalabas sa record ng Deparment of Education sa Naga City na umabot sa 283 ang bilang ng mga nagparehistrong Kinder at 564 naman sa Grade 1. Samantalang 1,506 naman sa Grade 7 habang 2,441 ang nagparehistrong Grade 11.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Panawagan ni Principal Baldoza sa mga magulang na iparehistro na ang kanilang mga anak nang sa gayon ay malaman na din ng DepEd kung ilang mga guro at mga kagamitan sa loob ng isang silid aralan ang kinakailangan.