1.5 million pesos natipid sa isang buwan ng MNWD sa bayarin sa kuryente matapos ibaba ng CASURECO 2 ang taripa nito

NAGA CITY – Malaking halaga ang nabawas nababayarin ng Metropolitan Naga Water District sa CASURECO 2 matapos na bumaba ang taripa nito sa P11.00 na lamang ang per kwh mula sa dating halos P18.00

Ang natipid ng MNWD sa buwan ng Mayo ay umabot ng 1.5 million pesos na ayon kay Acting General Manager Florencio Tam Mongoso Jr. ay malaking bagay sa kanilang monthly expenses.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga, sinabi ni Mongoso na ang halagang natipid nila ay magagamit din nila sa ibang gastusin lalo na ngayon under renovation pa rin ang ibang mga water pumping station.

Magagamit nila ito sa pagbili ng mga equipments na masyadong mahal ngayon, ayon sa opisyal.

Read More:  Father, son killed in Cebu stabbing while sleeping; mother injured

Sana diretso na ang ganitong sistema, sa kabila nito ay ipinatutupad pa rin nila ang “belt tighting” o sobrang pagtitipid sa opisina lalo na ngayong nagpaluwal sila ng mahigit tatlong milyong piso para sa mandatory mid-year bonus na ibinigay sa mga empleyado.

Sa assessment nina Mongoso nananatiling lugi pa rin ang MNWD sa buwan ng Mayo, ngayong taon.