Maalinsangan panahon asahan ngayong Lunes – PAGASA

Magiging maaliwalas ang panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw ng Lunes.

Ayon sa PAGASA, makakaapekto ang Northeasterly Surface Windflow sa Northern at Central Luzon.

Read More:  Champi may regain super typhoon strength before entering PAR

Sinabi din ng weather bureau na mararanasan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may tyansa ng pulo-pulong pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Nagbabala naman ang PAGASA na may tyansa pa rin na magdulot ng baha at landslides ang mga biglaang pag-ulan.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Maglalaro naman sa 26.6 hanggang 33.4 degrees celcius ang agwat ng temperatura sa malaking bahagi ng bansa.