LTO sa Camarines Sur nagbabala sa pagsakay sa mga colorum ngayong punuan ang bus

NAGA CITY- Punuan ang mga bus mula Maynila patungo sa Bicol Region , punuan din ang mga local trips sa Camarines Sur ngayong Semana Santa, kaya nagbabala ang Land Transportation Office (LTO)  sa pagsakay sa mga colorum dahil walang pananagutan sa mga pasahero kung masangkot sa aksidente.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon kay LTO Pamplona Chief Nero Dy Claro, nakabantay sila para sa kaligtasan ng publiko, lulan man ng pampubliko o pribadong sasakyan. Nakaangla ito sa Oplan Biyaheng Ayos ng Department of Transportation.  Aniya dapat kompleto sa dokumento ang mga driver at sasakyan, ang mga pasahero naman hindi nagsisiksikan.

Samantala, sa pagdami pa ng mga sasakyan sa kalsada panawagan ng LTO head sa LGU na linisin ang obstruction; mga nakaparadang sasakyan, mga naka usling signages  at iba pa pa.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Maliban sa pagsisiguro ng BLOWBAGETS o ang battery, lights, oil, water, brake, air, gas, engine, tire, and self, manalangin din ayon pa sa LTO.