Ibinahagi ng Land Transportation Office-National Capital Region West (LTO-NCR-West) na nahuli nila ang nasa limang taxi drivers, matapos tanggihan ang ilang mga pasahero.
Ayon sa LTO, na ang naturang pag-aresto ay bahagi sa pagpapatupad ng ahensya ng “Oplan Isnabero” at ginawa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at sa Pasay City.
Paliwanag ni LTO-NCR-West Director Roque Verzosa, na alinsunod sa Joint Administrative Order No. 2014-01, ang penalidad para sa “refusal to render service to the public or convey passenger to destination” ay nasa P5,000 hanggang sa P15,000 at kanselasyon ng Certificate of Public Conveyance (CPC).

Sa gitna nito, pinaalalahanan ni Verzosa ang mga taxi drivers na gawin ang kanilang responsibilidad nang maayos kasunod ng tumataas na bilang ng mga taong nangangailangan ng public transportation. // MHEL PACIA