LTO Bicol, naghihintay pa ng abiso sa pag-regulate ng e-bikes

LEGAZPI CITY – Abiso na lamang ang hinihintay ng Land Transportation Office (LTO) Bicol mula sa kanilang central office sa pagpapatupad ng regulation para sa mga e-bikes.

Sinabi ni LTO Bicol Regional Director Francisco Ranches, Jr. sa panayam ng Brigada News FM Legazpi, pinag-iisipan ng central office na i-regulate na ang mga e-bikes sa buong bansa kaya’t nagpatawag ng consultation meeting si ASec. Vigor Mendoza noong isang araw.

Read More:  Top NPA leader killed in Surigao del Sur encounter

Ayon sakanya, ang regulasyon ng LTO sa mga e-bikes sa kasalukuyan ay hindi required na irehistro ang mga 25 kph pababa, ngunit hindi sila pinahihintulutang magbiyahe sa mga national roads o highways.

Subalit dahil din sa pagdami ng mga naoobserbahang gumagamit nito sa main road, naisipan umano ng LTO na i-regulate ito.

Kung tuluyan umanong mare-regulate, tiyak na kakailanganin ang tulong ng bawat lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga ordinansa at paglatag ng mga kaukulang penalidad sa bawat lalabag.

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife

Sa ngayon, naghihintay lamang sila ng mga panukala at abiso kung tuluyan itong ire-regulate sa mga susunod na araw.

Samantala, ayon din kay Ranches, wala pang naire-report sa kanilang tanggapan na mayroong naaksidente sa paggamit ng e-bikes subalit huwag na umanong hintayin na magkaroon pa ng ganitong mga insidente.