Binigyan ng pagkakataon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na magkaroon ng dagdag na hanapbuhay ang mahigit sa apatnapung mga tsuper sa Olongapo.
Ito ay bilang ang bahagi ng sa Entsupernuer o livelihood program ng LTFRB para tulungan ang mga tsuper na higit na apektado ng covid-19 pandemic.
Matatandaan na ang program ay inilunsad ng LTFRB para matulungan ang sektor ng tranportasyon sa bansa.
Base sa regulasyon ng programa ay maaring pumili ng gustong hanapbuhay ang mahigit apatnapung mga drivers na magbebenipyso sa programa.
Samantala, sakaling maipasa na ng mga benepisyaryo ang mga requirements ay mabilis na maibibigay ang hinihiling na pangkabuhayan.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Olongapo City Information Center
