LTFRB Chairman Guadiz – ‘di raw patitinag sa trabaho matapos looban ang tahanan

Naniniwala si Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilio Guadiz na personal ang motibo sa pangloloob sa kaniyang tahanan sa Dagupan sa Pangasinan.

Kung maaalala kasi – pinasok ang tahanan ng pamilya Guadiz isang araw bago ang dalawang araw na tigil-pasada ng PISTON na sinamahan ng MANIBELA.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sabi ni Guadiz – sa palagay daw niya ay hindi lang ito routine robbery at mayroon pang ibang motibo ang mga suspek.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente at inaalam pa rin kung may kaugnayan ito sa welga ng mga traditional jeepney drivers.