LTFRB, aprubado na ang hiling na pisong dagdag-pasahe sa dyip sa buong bansa

Aprubado na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 na dagdag-singil sa pasahe sa mga Public Utility Jeepneys.

Lusot ang petisyon ng mga transport groups para sa P1 provisional fare increase na inihirit nila dahil sa sunud-sunod na taas-presyo sa produktong petrolyo.

Matapos ang pagdinig ngayong araw, napagdesisyunan ng LTFRB na aprubahan ang dagdag-pasahe sa parehong mga modern at traditional jeepneys sa buong bansa.

Magiging epektibo naman ito simula sa araw ng Linggo, October 8.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *