SORSOGON CITY—Isa ang DepEd Sorsogon province Division sa mga inimbitahan ng National Capital Region (NCR) para sa presentation ng Learning Recovery plan (LRP) nitong Lunes, Hulyo 11, 2022 na ginanap sa Subic.
Sa panayam ng Brigada News FM inihayag ni DepEd Sorsogon Province Schools Division Superintendent Jose “Toots” Doncillo na ang imbitasyon ay matapos na maging kauna-unahan ang Rehiyong Bicol na makapag conceptualize ng kanilang LRP kung saan naging maganda ang impresyon ng mga consultants dito.
Maliban sa Division of Sorsogon ay kabilang rin umano sa inimbitahan para sa presentation ang Division of Catanduanes matapos na magustuhan din ito ng mga consultants.
Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng ideya ang mga taga NCR hinggil sa konsepto ng LRP na kanilang magagamit sa pagbuo ng kanilang sariling LRP.
Ang pagbuo ng LRP ay bahagi ng post pandemic effort ng DepEd na binubuo ng mga estratehiya kung papaano mapupunan ang mga learning gaps dulot ng pagkakabalam ng normal na pasok sa eskwela dahil sa Covid-19 pandemic. ###
