LPA sa extreme Northern Luzon binabantayan ng PAGASA

Binabantayan ngayon ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa 1,240 km East ng Extreme Northern Luzon.

Habang ang Southwest Monsoon ay patuloy pa rin nakakaapekto sa western sections ng Central at Southern Luzon.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Ang Occidental Mindoro at Palawan ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog  dahil sa Southwest Monsoon.

Habang ang Silangang Visayas at Caraga ay magkakaroon ng Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa trough ng LPA.

Read More:  NBI witness says VP Sara Duterte skipped threat probe, sent lawyer instead

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon at Localized Thunderstorms.