Lovi Poe, pagbibidahan ang isang international na indie film

Makakasama ng Kapamilya actress na si Lovi Poe ang “American Pie” star na si Seann William Scott  para sa US independent movie na “Bad Man.”

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Kasama rin sa pelikula sina Johnny Simmons ng The Perks of Being a Wallflower, Rob Riggle ng 21 Jump Street, Chance Perdomo ng After We Fell, at Andre Hyland ng Barry.

Kinumpirma ito ni Lovi matapos niyang i-post ang news article mula sa isang sikat at international na publication.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Ito rin aniya ang rason kung bakit siya pumunta ng Alabama, USA at nag-stay doon nang matagal.