‘Long cases’ ng COVID-19 – o mga infected patients na nakararanas ng pangmatagalang epekto at sintomas ng virus, na-monitor na

Patuloy ang isinasagawang pag-aaral ng mga eksperto tungkol sa maaaring maging epekto sa katawan ng mga taong tinamaan ng mild at long covid-19 infection.

Sa Laging Handa Public Briefing sinabi ni National Task Force (NTF) against covid-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na nag-umpisa nang i-identify o pag-aralan ang maaring maging pang-matagalang epekto ng naturang sakit sa katawan.

Read More:  VP Sara Duterte reveals alleged 2024 plans against her and Rodrigo Duterte

Aniya, nagkaroon na ng pag-aaral ang WHO sa mga bansa kagaya ng United Kingdom at Amerika.

Sa ngayon, naguumpisa na umanong makakita ang mga doktor ng epekto nito sa puso kung saan nagkakaroon ng inflammation sa naturang organ at ang tinatawag na brain fog na nagiging dahilan naman para hindi maka-alala kaagad dahil sa naranasang acute covid-19 infection.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Dagdag pa ni Dr. Herbosa, itatala umano lahat ng makukuhang datos sa bansa na nagkaroon ng long covid-19 infection para maaral ang ganitong uri ng sitwasyon.(CLAY MARQUEZ)
#