Trending ngayon ang isang lolo na taga China dahil sa kanyang bato-batong pangangatawan.
Kinilala ito bilang si Zou Heping, 70 years old, at taga Chongqing, China.

Kakaiba ang naging fitness journey ni Zou dahil ang kanyang ehersisyo para manatili siyang malusog ay ang paglukso na parang palaka sa Gele Mountain.
Gumagapang rin siya na parang buwaya.
Bukod sa kanyang katawan, ipinagmamalaki rin ni Zou ang kanyang buhok na hindi pa tinutubuan ng uban.
Pagmamalaki pa niya, hindi niya iyon kinukulayan.
Pinatunayan lang ni Zou na “age is just a number.”