Lolo na may kasong VAWC sa Guinobatan, Albay arestado

LEGAZPI CITY – Inaresto na ng mga kapulisan ang isang Lolo dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Their Children (VAWC) sa Purok 5, Brgy.

Morera bayan ng Guinobatan Kinilala ang akusado na si Alyas Florante 64 anyos residente ng Ope St., Brgy. Ilawod ng nasabing bayan.

Read More:  24-year-old female rider dies in six-vehicle crash at Cebu City

Ayon sa report, umaga ng puntahan ng mga awtoridad ang kinaroroonan ni Florante upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest.

Read More:  Barangay captain killed in Negros Oriental shooting

Nang matagpuan ito sa nabanggit na lugar ay dito na hinuli dahil sa nasabing kaso.

Aabot sa P120K ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Sa ngayon ang akusado ay kostudiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.