Lokal na Pamahalaan ng Botolan tumulong sa napinsala ng buhawi sa dalawang barangay sa lugar

Nagbigay ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Botolan, Zambales sa mga napinsala ng buhawi sa Barangay Bancal at Barangay San Isidro nakalipas na Sabado ng gabi.

Ayon kay Mayor Jun ‘Omar’ Ebdane may nakalaang pondo ang munisipyo para sa mga naapektuhan.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kasabay ng pamimigay ng tulong ay nagsagawa rin kaagad ng clearing operation ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa lugar.

Payo naman ng opisyal sa mga may sakahan sa dalawang barangay na sinalanta ng buhawi at rehistrado sa Philippine Crop Insurance Corporation na magtungo sa opisina ng PCIC para sa kompensasyon.//Russell Banawa-BNFM IBA

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

PHOTO: LGU Botolan