Loisa Andalio, na-bash dahil sa kontrobersyal na pahayag tungkol sa mga solo travelers

Humingi ng paumanhin ang aktres na si Loisa Andalio sa mga na-offend sa kanyang naging pahayag tungkol sa mga solo traveller kamakailan.

Maalalang inihayag ni Loisa ang kanyang opinyon sa mga mag-isang nagta-travel at sinabing hindi niya ito ma-gets dahil mas magandang mag travel nang may kasama.

Saad pa ng aktres, maaring nag-ugat ito sa mga pinagdaanan nila noon kaya’t mas gusto na lang ng iba na maging solo traveller.

Ngunit paglilinaw ni Loisa, hindi niya nilalahat ang pagiging “malungkot” ng mga nagpasyang mag isa mag-travel.

Ito lang aniya ang kanyang mararamdaman kung sakaling maging solo traveller siya.

Mas gugustuhin din niya na makasama ang kanyang partner na si Ronnie Alonte, mga kaibigan, at pamilya niya sa mga trips niya soon.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *