Kinasuhan na at sinuspende pa ang lisensya ng driver ng SUV na umararo sa isang bangko sa Quezon City noong December 28.
Nahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries and damage to property.
Sinabi ng Quezon City pulis na nasa kustodiya ngayon ng QCPD traffic 2 ang naturang driver.
Pinagpapaliwanag naman ng Land Transportation Office ang driver at ang nakarehistrong pangalan sa SUV na ipaliwanag ang mga pangyayari na nauwi sa insidente.
Nakatakda namang humarap sa LTO National Capital Regional Office sa January 10 ang driver.
Ito ay para magsumite ng kanyang affidavit.
