Limang porsyento ng mga kababaehan sa rehiyon target ng DOH Bicol na maisailalim sa screening kontra Cervical Cancer

BNFM Bicol-TARGET na maisailalim ng Department of Health o DOH Bicol ang aabot sa 51,921 na mga kababaehan sa screening kontra Cervical Cancer.

Ito ay bilang pagdiriwang ng Cervical Cancer Awareness Month, na kung saan ang nasabing datos ay katumbas ng 5% ng populasyon ng mga kababaehan sa Bicol.

Binigyan naman ng kahalagahan ni DOH Bicol OIC-Director III na si Dr. Rosa Maria B. Rempillo ang kontribusyon at pakikiisa ng mga kababaehan sa nasabing programa na may kinalaman sa kanilang kalusugan.

Matatandaan nitong Mayo 21 ngayong taon nang opisyal na i-launch ang Nationwide Cervical Cancer Screening campaign sa kabikolan. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *