Limang organisasyon sa Olongapo tumanggap ng mga rabbit

Ibinigay ng Olongapo City Agriculture Office kaninang umaga sa organisasyon ng mga rabbit breeders sa lungsod ang mga alagaing rabbit.

Ito ay bahagi ng livelihood program para sa mga organisasyon sa pamamagitan ng suporta ng Department of Agriculture.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon kay OIC City Agriculturist Francis Ela Maniago, sa edad na apat hanggang anim na buwan ay maari nang ibenta ang karne nito.

Ang rabbit meat umano ay nagsisilbing alternatibo sa iba pang karne at mas mababa ang fats nito.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kaninang umaga ay nasa mahigit 300 piraso ng rabbit ang ibinigay sa limang organisasyon.

Paparamihin ito ng mga benipisyaryo at tutulong naman ang opisina para sa marketing.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO