ARESTADO ang lima katao matapos na makunan ang mga ito ng di-lisensyadong mga baril at droga sa isang entrapment operation sa Barangay Tukanalipao ng bayan ng Mamasapano kamakalawa.
Nakilala ang mga suspek na sina Benjar Rajahpandalat, Datu Pong Mohammad, Pogi Abdullah, Theng Kiladan, at Said Nanding.
Nakuha sa mga suspek ang isang 5.56mm M16 rifle (Bushmaster), dalawang (2) Caliber .45 pistol, ibat-ibang uri ng drug paraphernalia, mga magazine, bala at war materials.
Ayon sa report, sakay ang mga suspek ng itim na Toyota Hilux na may plate number DAJ 9972 at isang blue XRM with license plate MC 3669 LK ng maharang ng pinagsanib na pwersa ng Mamasapano MPS at Militar psado alauna ng hapon.