Ligao City PNP, may paalala sa mga may ari ng bahay upang maiwasan ang mga insidente ng panloloob o pagnanakaw

LEGAZPI CITY – Muling nagbigay ng pagpapaalala ang Ligao City Police Station sa mga residente o sa mga may ari ng bahay upang maiwasan na manakawan sa loob ng kanilang tahanan

Ayon sa himpilan, bago matulog o umalis ng kanilang tahanan siguraduhing nakasarado o naka-lock ang mga pintuan at bintana upang hindi mapasukan ng mga magnanakaw.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dagdag pa rito, iwasang maglagay ng gamit na mamahalin malapit sa pintuan o bintana upang hindi maabot ng mga kawatan.

Kung maaari rin ay buksan lamang ang ilaw ng bahay o ipagbilin sa kapit-bahay na pinagkakatiwalaan upang hindi mapasukan ng magnanakaw.

Malaking tulong din umano ang pag-aalaga ng aso sa bahay na nagsisilbing tagapagbantay ng tahanan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dagdag pa nito, iwasan din ang pagpost sa social media upang hindi tangkaing pasukin ang iyong bahay.

Sa pagbibigay ng information education campaign sa social media o radyo sa mga may ari ng tahanan ay maiiwasan ang anumang pagtangkang pagpasok ng bahay at mapapabilis rin ang paghuli sa mga salarin.