Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na ipapasa nila ‘on time’ sa Senado ang 2025 proposed national budget upang maisumite sa Pangulo at maaprubahan.
Tumanggi muna rin ang senador na magbigay ng timeline para rito dahil wala pa sa kanilang kamay ang General Appropriations Bill.
Samantala, kung matanggap na nila ito, tiniyak niyang matutukoy nila kung kailan sila posibleng matapos.
Pero kumpiyansa ang senador sa kanilang proseso lalo na’t non-stop naman umano ang ginagawang budget hearing ng Senate Committee on Finance.