Liderato ng Kamara, tiniyak ang mga hakbang upang protektahan ang mga mangingisda

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa mga mangingisda na patuloy silang poprotektahan ng gobyerno laban sa pambu-bully, harassment at banta ng pagpapakulong ng China.

Sa kanyang mensahe sa National Fisherfolk Day, sinabi ni Romualdez na gagawin ni Pangulong Bongbong Marcos ang lahat ng hakbang upang ipagtanggol ang mga mangingisda at mapanatili ang kanilang economic at livelihood activities.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Reaksyon ito ng Speaker sa pahayag ng tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na walang dapat ipangamba ang Pilipinas sa plano ng China na ikulong ang mga “trespassers” sa loob ng dalawang buwan nang walang paglilitis.

Gagamitin umano ng pamahalaan ang lahat ng kapangyarihan upang makapangisda ang mga Pilipino sa loob ng exclusive economic zone kasama na ang Bajo de Masinloc at maging ligtas.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Iginiit din ni Romualdez na dapat tigilan na ng China ang pananakot na ipakukulong ang mga Pilipinong mangingisda sa EEZ dahil hindi sila maituturing na “trespassers”.

Sa halip, ang China pa aniya at iba pang dayuhan na ilegal na pumapasok sa maritime waters ng Pilipinas sa ilalim ng international law ang ituturing na “intruders”.
#