Lider ng Jaen Drug Group, timbog sa drug buy-bust ops sa Sariaya, Quezon; Higit ₱400k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat

Timbog ang isang lalaki na umano’y lider ng Jaen Drug Group matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Sto. Cristo, Sariaya, Quezon nitong Martes, Hunyo 4.

Ayon sa police report, bandang alas-4:50 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas “Jaen”, 32-anyos.

Sa gitna ng operasyon, nasamsam mula sa suspek ang limang (5) sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱400,000 at ang 1000-peso bill na ginamit bilang buy-bust money.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang suspek na kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Sariaya Municipal Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *