Licensure Examination For Teachers sa Cauayan City, Matagumpay na isinagawa

Maayos na natapos at walang naitalang untoward incident sa ginanap na Licensure Examination for Professional Teachers sa Lunsod ng Cauayan kahapon, October 2, 2022.

Ito ang kinumpirma ni SDO Cauayan City Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr. sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Read More:  Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City

Aniya, ang mga examinees na BEEd ay natapos ng alas-2 ng hapon habang alas-6:30 na natapos ang mga BSEd examinees.

Mula umano sa 3,750 na LET takers ay 98% lamang dito ang matagumpay na nakapag-exam dahil mayroong ibang examinees na absent o hindi nakapunta.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Kabilang sa paaralan na ginawang venue ay ang Cauayan City National High School, Cauayan North Central School at Cauayan South Central School.

Mas marami umanong examinees ang naitala ngayong buwan kumpara sa mga nakaraang BLEPT dahil kadalasan ay dalawang paaralan lamang ang ginagamit.