Libreng toll sa CAVITEX C5 link Sucat Interchange, extended

Extended ang libreng toll sa CAVITEX C5 Link Sucat Interchange simula ngayong araw.

Ayon sa pamunuan ng CAVITEX, ang babayaran lang ay ang paggamit ng CAVITEX R-1 Toll o yung sea side to Zapote para sa dadaan sa Sucat segments.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Para sa mga Class 1 magkakaroon na ng bayad na P17.00 habang P35.00 naman para sa Class 2 at P52.00 sa Class 3.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Hindi naman sinabi kung hanggang kailan ang libreng toll sa CAVITEX Link Sucat Interchange.

Nauna ng inanunsyo ng Malakanyang ang isang buwang  libreng toll sa CAVITEX mula July 1 hanggang July 30.