Libreng sakay sa SM Mall- PPC airport, malabo nang mapalawig- Kon. Nesario Awat

Nalalapit na ang pagtigil ng libreng sakay mula sa SM Mall sa Puerto Princesa patungo  at pabalik sa Puerto Princesa City International Airport.

Ito ay dahil hanggang sa March 31, 2023 na lamang ang ektensyon ng operasyon nito, ayon kay Councilor Atty. Nesario Awat.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ang usapin ay tinalakay kamakailan ng Committee on Transportation kung saan ang Sangguniang Panlungsod at si Mayor Bayron ay nagkaisa na hindi na palalawigin pa ang libreng sakay sa SM Mall.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nais kasi na maging “centralized” ang pagkakaroon ng terminal sa barangay Irawan.

Sa kabila nito, isasapinal pa ang pag-rebisa sa ordinansa o resolusyon bago ipapaalam sa apektadong sektor ang kapasyahan ng Sanggunian.