NAGA CITY – Nabigyan na ang mahigit 100 isang daang magsasaka ng palay ng libreng binhi sa Naga City, bilang pagsisimula muli na makatanim ngayong tag-ulan na.
Sa panayam kay Asosena Jibulan, magsasaka sa Sitio Batang, Barangay Concepcion Pequeña, malaking kabawasan ito para sa kanilang mga gastusin na libreng nakakatanggap ng binhi maging ng fertilizer, lalo na’t nagiging problema nila ang mga perwesyong daga, at tubig sa mismong sakahan dahil malapit sa may ilog ang sakahan na kapag sobrang ulan bumabaha.
Ayon naman kay Dominador Monteroso, isa pang magsasaka sa Concepcion Pequeña, maliban sa problema pa ang tubig, budget o financial din talaga ang problema pa ng mga magsasaka, kaya malaking bagay na may mga ganitong programa ang Gobyerno o Lokal na Pamahalaan, na kapag napinsala maibabalik sa kanila ang ginastos.
Naka-usap naman ng BNFM Naga si Francis Talion Abasola, Agricultural Technologist ng Naga City Agriculture Office, ang mga binhi ay galing sa Philrice at Department of Agriculture Region Field Office 5, at mga rehistrado lamang sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture ang makakatanggap ng certified seeds at hybrid seeds na halos lahat ng magsasaka ng palay sa lungsod ay rehistrado na.