Libreng binhi mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), nagsimula nang ipamahagi sa 1st District ng Albay

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Agriculture Phil Rice Bicol na nagsimula nang ipamahagi sa Unang Distrito ng lalalwigan ng Albay ang libreng binhi na mula sa RIce Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), Katuwang ang LGU Bacacay, Malinao, at Sto. Domingo, Albay, mabilis na naipamahagi ang mga certified seeds bilang paghahanda sa Wet Season 2022.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Bago ang pamamahagi, nagsagawa ng technical briefing ang Municipal Agriculture Offices ng nasabing munisipyo upang mas pagtibayin ang kaalaman ng mga magsasaka sa iba’t ibang programa na handog ng RCEF.

Maliban dito, nabigyan rin ng mga dagdag kaalaman ang mga magsasaka tungkol sa mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa pagsasaka sa tulong ng mga educational videos at knowledge products tulad ng Pesteng Insekto at Sakit Labanan brochure mula naman sa RCEF Extension Program.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sinabi ng tanggapan, Para malaman ang schedule ng seed distribution sa kanilang lugar ay kailangan makipag-ugnayan sa pinakamalapit na City or Municipal Agriculture Office.