LGUs sa Metro Manila at DILG, nagpulong para tugunan ang bigat ng trapiko sa NCR

Nagpulong ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para tugunan ang lalong pagbigat ng daloy ng trapiko sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, kasama sa napag-usapan ang regulation ng mga electric vehicles, barangay road clearing operations at ang street pay parking ordinances ng mga LGUs.

Dagdag pa ng kalihim, ang lahat ng mga nabanggit ay pag-aaralan ng technical working group para mailatag ng maayos ang solusyon.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Nakatakdang i-presenta ni Abalos kay Pangulong Bongbong Marcos ang resulta ng meeting sa Regional Town Hall Meeting ngayong March 25.